Ipinakita ni Stephen Curry ang pagiging lider sa scoring matapos itong maghulog ng kabuuang 41-puntos sa tatlong yugto lamang habang nagtala si Draymond Green ng triple-double upang itulak ang defending champion Golden State Warriors sa 136-116 panalo kontra sa Phoenix Suns.
Kumulekta din si Curry ng anim na rebound at walong assist kung saan itinala ng Warriors ang panibagong rekord para sa koponan sa ipinasok na 3-pointers sa kabuuang 22, na kulang lamang ng isa sa rekord sa liga sa loob ng 38 38 attempt upang itulak ang NBA-record nito sa 17-0 sunod na panalo sa pagsisimula.
Kinolekta ni Curry ang season-high na siyam sa kanyang 16 na tira mula sa long range sa kanyang ika-14th career 40-point game, saan lima ang nagawa nito sa kasalukuyang season.
Ang kakampi nitong si Green ay may 14-puntos, 10 rebound at 10 assist na kanyang ikatlong career triple-double kung saan dalawa ang nagawa nito ngayong season.
Itinala din ng Warriors, nasa kanilang highest-scoring game sa season, ang bagong NBA rekord sa pagpasok ng 15 3-pointers (sa 20 tira) sa unang hati.
Kabilang si Leandro Barbosa na nagtala ng 21-puntos mula sa 8-of-9 shooting, kabilang ang perpektong 5 for 5 mula sa kinatatakung 3-point area.
Nagawa pa ng Golden State na itala ang 20-puntos na abante sa unang quarter kung saan hindi nagawa pa ng Suns na idikit ang abante sa single digit.
Pitong manlalaro ang nakagawa ng isang 3-pointer para sa Warriors. (ANGIE OREDO)