Nakatakdang lumahok ang tatlong koponang Phoenix Petroleum, Mindanao Aguilas, at Jam Liner-UP sa darating na 2016 PBA D-League Aspirants’ Cup sa Enero.

Ang tatlong koponan ay magsisilbing mga bagito sa conference 9-team field na pangungunahan ng defending Foundation Cup champion Cafe France.

Galing sa matagumpay na kampanya ang Bakers na kinatawan ng CEU Scorpions sa NAASCU, ay naghahangad na bumuo ng bagong dynasty kahanay ang mga perrennial contender Hapee, Cebuana Lhuillier, at Cagayan Valley.

Bukod sa CafeFrance, magtatangka ring magwagi ng titulo ang mga datihang koponan na Racal Motors, Tanduay Light at AMA University.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ang Alibaba’s ang nakatakdang kumuha ng first pick sa PBA D-League Draft sa darating na Disyembre 1 na Nagbabalik naman sa eksena ang mga koponan ng Wangs Basketball at BDO-NU para sa developmental ranks ng first conference ng 2016 season.

Samantala, nakatakdang ipatupad ng liga ang mga bagong panuntunan sa mga school-based team na kinakailangang mayroong anim na varsity players sa lineup.

Kung gagamit ang school-based team ng foreign player, kailangan na mayroon silang siyam na local players sa kanilang 14-man roster.

Nauna nang itinaas ng liga ang age limit para sa mga players sa 30 anyos mula sa dating 28 anyos. (Marivic Awitan)