Sisimulan na ang North-South Commuter Railway (Malolos-Tutuban) project, ayon sa Department of Transportation and Communications (DoTC).
Ito ay matapos pirmahan nina Finance Secretary Cesar V. Purisima at Noriaki Niwa, chief representative ng Japan International Cooperation Agency (JICA), ang loan agreement para sa naturang proyekto.
Ayon DoTC, aabot sa 241.991 billion yen o P93.457 bilyon ang ayuda ng gobyerno ng Japan upang maipatayo ang 36.7-kilometrong railway na mag-uugnay sa Tutuban sa Maynila, at Malolos City sa Bulacan.
Layunin ng proyekto na maibsan ang masikip na trapiko sa Metro Manila, ayon sa DoTC.
Nabatid na napagtibay ang kasunduan nang mag-usap sina Pangulong Aquino at Japanese Prime Minister Shinzo Abe sa Asia-Pacific Economic Conference (APEC) Leaders’ Meeting sa Maynila nitong Nobyembre 18-19.
Bukod sa mapabilis at gawing kumbinyente ang biyahe, layunin din ng proyekto na maibsan ang polusyon dahil environment-friendly ang nasabing railway. (Mac Cabreros)