Ibabalik ng EDSA technical working group, sa pamumuno ni Cabinet Secretary Jose Rene Almendras, ang paglalagay ng mga barrier sa mga choke point sa Epifanio Delos Santos Avenue (EDSA) upang mapanatili ang mga public utility bus sa kanilang itinalagang daanan.

Ang mga plastic barrier ay ginamit sa mga special lane sa panahon ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) summit kamakailan.

“We are seeing the possible use of plastic barriers as separators for bus lanes in order to improve flow of traffic along Edsa,” sinabi ni Emerson Carlos matapos ang kanilang pagpupulong.

Sa dulo, sinabi ni Carlos na nais ng TWG na baguhin ang ugali ng publiko, hikayatin silang gamitin ang public utility vehicles imbes na ang kanilang pribadong sasakyan.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Ayon kay Carlos, ang re-installation ng mga plastic barrier ay magpapagalaw sa mga bus at pipigil sa kanilang okupahin ang ibang lane at harangan ang ibang behikulo.

Sinabi ni Almendras na tinitingnan nila ang Shaw Boulevard hanggang Guadalupe-southbound na maaaring paglagyan ng mga plastic barrier.

“We actually think it will improve the flow of the buses more than the cars. But that’s the whole point. We want to encourage the high occupancy vehicles to move faster. So that’s why we are going to do it,” ani Almendras.

Dalawang lane ang itatalaga sa mga pampasaherong bus habang ang tatlong lane ay para sa mga pribadong sasakyan.

(ANNA LIZA VILLAS-ALAVAREN)