Pinag-iingat ng Konsulado ng Pilipinas sa Dubai ang publiko, partikular ang mga donor, laban sa mga scam na gumagamit ng mga charitable organization.

Kinumpirma ng Konsulado sa Dubai at Northern Emirates na nakatanggap ito ng impormasyon kaugnay ng panloloko ng mga indibiduwal na nag-oorganisa ng mga fund raising event sa pangalan ng Red Cross at iba pang charitable organizations, nang walang pahintulot ng mga nasabing tanggapan.

Nanawagan ang Konsulado sa lahat ng posibleng donor na iwasang maging biktima ng ganitong mga panloloko o scam.

“Section 8 of RA 10072 (Philippine Red Cross Act of 2009) states that it shall be unlawful for any person to solicit, collect or receive money, materials or property of any kind by falsely representing himself to be a member, agent or representative of the Philippine Red Cross. Pursuant to Section 9 of the Philippine Red Cross Act of 2009, the unauthorized use of the name Red Cross and the Red Cross emblem is a clear violation of the law,” saad sa pahayag ng Konsulado. (Bella Gamotea)

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists