ASINGAN, Pangasinan – Agad na nasawi ang isang mag-asawa matapos silang pagbabarilin sa Obillo’s Compound sa Barangay Carosucan Sur Zone VI sa bayang ito.

Kinilala ni Supt. Ferdinand de Asis, tagapagsalita ng Pangasinan Police Provincial Office, ang mga biktimang sina Crisanto Obillo, 49; at Joanne Obillo, nasa hustong gulang.

Ang suspek ay si Mario Obillo, Sr., 43, may asawa, magsasaka, nakababatang kapatid ni Crisanto, na agad na nakatakas bitbit ang hindi pa tukoy na uri ng baril na ginamit sa krimen.

Ayon sa pulisya, away-pamilya ang motibo sa insidente, na nangyari dakong 6:00 ng gabi nitong Biyernes.

Probinsya

69-anyos senior citizen, timbog sa iligal na droga

(Liezle Basa Iñigo)