Mabigat man sa kanilang kalooban, handang ipagparaya ng Letran ang kanilang headcoach sa men’s basketball na si Aldin Ayo sa koponan ng De La Salle.

Ganito ang naging pahayag ni Letran Rector Fr. Clarence Victor Marquez OP sa kanyang mensahe sa idinaos na “victory party” ng Letran Knights noong nakaraang Biyernes ng gabi bilang bagong kampeon ng NCAA men’s basketball sa kanilang school campus sa Intramuros.

“Our triumph is tempered by tears, our joy is mixed with sorrows. Our beloved coach Aldon Ayo, outstanding Letran alumni is bidding us farewell, in order to coach for another school in another league, for reasons most personal and professional. And with hearts heavy but honorable still, we will let him go, wish him all the best, keep his name in holy and grateful memory,” pahayag ni Marquez.

Ayon pa kay Marquez, halos-halong reaksiyon ang kanilang inaasahan sa desisyong ito ni Ayo na pormal nang tinanggap ang pagiging bagong head coach ng Green Archers sa UAAP matapos alukin ng patron nitong si Danding Cojuangco bilang kapalit ng nagbitiw na si Juno Sauler, hindi umano papaapekto ang Letran Knights sampu ng Letran community at ipagpapatuloy ang kanilang nasimulan at tinapos bilang kampeon.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“Letran will stay the course. We will always do what is right, what is true , what is good. Let our battlecry “All Filipino, All Heart” continue to ring out with pride and passion and principled living,”.

Ngunit gaya ng kanyang iiwang koponan, at buong komunidad ng Letran, aminado rin si Ayo na naging napakabigat para sa kanya ang kanyang naging desisyon.

Gayunman, nangako itong mananatili pa ring isang Letranista sa kanyang puso at isipan at anumang oras ay handa siyang tumulong sa team kung kinakailangan.

“Yung mga nabasa nyo, hindi totoo yun,” ani Ayo na tinutukoy ang mga naunang naglabasang balita na posibleng may kinalaman sa pulitika ang kanyang desisyon dahil tatakbo siya uling konsehal sa Sorsogon.

Personal na dahilan na ayaw niyang sabihin, ang siya umanong dahilan ng kanyang paglipat sa La Salle.

At batay sa pinakahuling lumabas na impormasyon, nais niyang sagipin ang kanilang naitayong negosyo ng kanyang pamilya na siya umanong ipinangako ni Cojuangco na gagawing tulong sa kanya kapalit ng pagpayag nito na lumipat siya ng La Salle.

”O will be always be a Letranite. This is where I started. I will continue to help the team and I will always make Letran proud,”

Pagtatapos ni Ayo na hindi napigilan ang mapaluha matapos ang kanyang pananalita. (Marivic Awitan)