May kuwento tungkol sa isang salesman na nagbenta ng isang computing machine sa isang kumpanya. Nang siya ay bumalik makalipas ang ilang buwan para bumisita, nagulat siya na nakabalot pa rin ito. “May problema ba?” tanong niya.

“Wala.” sagot ng accounting manager. “Dumami ang mga natatapos na trabaho, at mas naging epektibo.”

“Anong naitulong ng isang nakabalot na computer?” tanong niya. “Sinabi ko sa staff, kung hindi mo sisipagan ang trabaho, computer na ang papalit sa’yo”

Ito ay maiuugnay sa mensaheng nais iparating ngayong panahon ng Adbiyento na nagsasabing: “Increase your output, improve your efficiency or else...” The gospel message is a call to “salvation.“ “Lift up your heads for your salvation is at hand” (Lk 21,28).

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

Si Kristo ay bumaba sa lupa 2000 taon na ang nakalilipas at ibinuhos ang lahat n gating kakailanganin para mabuhay at mailigtas ang ating sarili. Ang tanging kailangan ngayon ay an gating personal na pagtugon o gawin ang ating mga responsibilidad.

“Gawin an gating responsibilidad” ay may iba’t ibang kahulugan. Ito ay maaaring pagsasaayos ng self-help project na mapapakinabangan ng komunidad na iyong kinabibilangan katulad ng paglilinis ng ating kapaligiran o kaya’y paghahandog ng mga basurahan.

Maaari ring pagbibigay aksiyon sa mga taong lumalabag sa batas sa kalsada, pag-uulat sa mga awtoridad tungkol sa maling ginawa, magnanakaw at mandarayang opisyal, mandurukot, drug trafficker at gumagamit at nagbebenta ng droga.

Ayon sa British statesman na si Edmund Burke: “The only way by which evil men can prosper in society is for the good to do nothing.”

Maraming “mabuting” tao sa simbahan ngunit kailangan nating kumilos at isabuhay ang mga natututunan sa simbahan.

Kumilos ka at gawin ang iyong mga plano na ikalulugod ng Diyos. Tumulong sa mga nangangailangan. Bisitahin ang mga may sakit na kaibigan o kamag-anak. Magsulat o magpadala ng greeting card sa kamag-anak na matagal nang hindi nakikita at nakakausap. ‘Wag alalahanin ang mga magagandang salita na iyong gagamitin.

Basta gawin mo! (Fr. Bel San Luis, SVD)