ISA sa mga bagay na bumida nitong Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) summit ay ang mga produktong Pilipino.

Ang aking talento ng mga Pinoy ang isa sa magagandang “showcase” nitong nakaraang linggo.

At ngayong ASEAN Integration, ang merkado para sa produkto at talento ay lalawak kaya’t mahalaga na mas umangat ang produktong Pinoy upang magkaroon tayo ng puwesto sa mga umuunlad na negosyo sa buong mundo. Sa puntong ito, mainam na makita natin ang performance ng export industry sa ating bansa.

Ang top 10 exports ng Pilipinas, ayon sa Philippine Statistical Authority (PSA) ay electronic products, machinery and transport equipment, woodcraft and furniture, mga wiring set, at iba pang manufacturing product gaya ng damit at accessories.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Nitong Setyembre 2015, bumaba ang exports sale kumpara noong Setyembre 2014. Umabot ang Philippines’ export sales sa $4.405 billion nitong Setyembre 2015. Ito ay bumaba ng 24.7 porsiyento mula sa 5.846 bilyong export sales noong Setyembre 2014.

Isa sa mga magandang paraan upang mas matulungan pa natin ang export industry sa ating bansa ay ang maayos na information dissemination. At pagdating dito, ang inisyatibo ay manggagaling sa gobyerno, lahat naman tayo, lalo na ang business community, ay may kontribusyon dito. Ang kanilang partipasyon ay mahalaga upang masiguro ang pag-angat ng mga export industry sa bansa. Dito kasi masisiguro na mas marami ang nakakaalam ng mga polisya, regulasyon at mga kasunduan na sumasakop sa export industry.

Maliban sa information dissemination, kailangan din patatagin ang mga negosyo at tulungan din ang mga small and medium enterprises na magkaroon ng kapasidad para sa export. Mahaba itong proseso, pero kapag nagtagumpay, hindi lamang ang malalaking negosyante ang matutulungan at makikinabang. Makakapag-generate rin ito ng mas maraming trabaho na kailangan ng ating bansa hanggang ngayon.

Sa gitna ng lahat ng ito, mayroon tayong mahalagang responsibilidad – ang pangalagaan ang common good. Sa ating pagkilos upang mapaangat ang kabuhayan, lalo na ng mga maralita, ang mga kataga mula sa “A Place at the Table: A Catholic Recommitment to Overcome Poverty and Respect the Dignity of All God’s Children” ng US Conference of Catholic’s Bishops ay maaari nating maging gabay: “The private sector must be not only an engine of growth and productivity, but also a reflection of our values and priorities, a contributor to the common good. Examples of greed and misconduct must be replaced with models of corporate responsibility. Both employers and the labor movement must help the poorest workers to have a voice and a place at the table where wages and working conditions are set.”

Sumainyo ang katotohanan! (Fr. Anton Pascual)