DIETHER copy

HINDI napanood sa telebisyon si Diether Ocampo sa loob ng dalawang taon kaya natutuwa siya sa kanyang pagbabalik sa trabaho.

Earlier this year, iniharap si Diether sa presscon kasama ang iba pang cast na gaganap sa Someone to Watch Over Me pero hindi muna ito natuloy dahil sa pagbubuntis ni Judy Ann Santos, ang female lead star ng serye.

Masaya ang hunk actor sa dalawang projects na kasalukuyan niyang ginagawa. Isa siya sa mga bida ng Wattpad Series ng TV5 na nag-premiere noong Lunes. For a change, bagong character ang ginagampanan ni Diet dahil romantic-comedy ang kuwentong ibinigay sa kanya.

Human-Interest

Una at pinakabatang Pinoy na nakalibot sa buong mundo, may payo sa future travelers: 'Learn Skills!'

Nananatili pa ring Star Magic talent si Diether kahit sa ibang network ang kanyang trabaho ngayon.

“In our time now, kung may trabahong dumating at kung maayos ang pag-uusap, walang magiging problema. Walang masamang tinapay sa akin. Kailangan lang mutual decision between the management and the artist,” pahayag ni Diet.

 

Nag-aaral pa rin si Diether sa De La Salle University, kumukuha siya ng Basic Entrepreneurship at abala pa rin siya sa kanyang mga golf tournament for a cause. Ang isa sa kanyang recent project ay ang Ambassador’s Cup na tumulong sa kabataang kinakalinga ng Manila Youth Reception Center. (ADOR SALUTA)