PEÑARANDA, Nueva Ecija - Anim na buwang suspensiyon ang ipinataw ng Sangguniang Bayan sa isang chairman ng barangay sa bayang ito makaraang mapatunayang dawit ang opisyal sa illegal logging.

Ayon kay Army Col. Ferdinand Santos, commanding officer ng 703rd Infantry Brigade na may hurisdiksyon sa mga tauhan ng 48th Infantry Batallion, dakong 3:30 ng hapon nitong Biyernes nang masabat ng pinagsanib na operatiba ng 48th IB at CAFGU ang isang Foton (NKO-922) na may lulang mga tinistis na kahoy na umaabot sa 789.9 board feet, na naharang sa Barangay Callos.

Ang nasabing truck, na kinumpiska kasama ng mga troso, ay naberipikang pag-aari ni Roberto Fernandez, chairman ng Bgy. Pias sa Gen. Tinio.

Wala ring maiprisintang dokumento ang driver ng truck na si Jun Cabildo, habang apat na kasamahan ng huli ang nakatakas. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente