LLOYDIE AT BEA copy

SA lahat ng lugar na pinupuntahan namin, maging sa burol ng pamangkin ng kaibigan namin noong Biyernes ng gabi, ay wala kaming naririnig kundi ang kuwentuhan tungkol kina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo dahil as of 5 PM that day ay umabot na sa mahigit P100M ang tinatabo sa takilya ng A Second Chance na pinagbibidahan nila.

Oo nga naman, Bossing DMB, tatlong araw pa lang ipinapalabas ang A Second Chance, one hundred million na! Kahanay na nila ang foreign film na Avatar, Superman, Spiderman, Batman, Captain America, James Bond movies, Hunger Games 1, 2, at 3 at iba pang blockbuster.

Pero nagulat kami sa naging takbo ng usapan na timing daw na ipinalabas ang A Second Chance dahil ‘second chance’ talaga ito para kay Lloydie na break even lang daw ang pelikulang The Trial na ipinalabas noong nakaraang taon.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Yes, Bossing DMB, usapan mismo ng mga taong hindi namin kilala na tama lang na kumita ang pelikula dahil kailangang-kailangan ito ng aktor.

Nabanggit pa na ayaw na raw gumawa ni John Lloyd ng drama dahil nga hindi siya tanggap ng tao, lalo na sa TV.

Nightmare raw sa aktor ang huling dramaserye niya, ang A Beautiful Affair kasama si Bea at John Estrada noong 2012.

Simula raw noon ay ayaw nang mag-drama ng aktor sa telebisyon, kaya nag-i-enjoy siya sa Home Sweetie Home nila ni Toni Gonzaga dahil hindi na siya nai-stress sa papel niya, naaliw pa siya at nakapupunta pa siya sa ibang bansa.

Oo nga, naunang nag-Japan ang cast ng Home Sweetie Home at kamakailan ay nasa Hong Kong naman.

Kaya ang gustong ni Lloydie ngayon ay sa pelikula na lang siya magda-drama at sa telebisyon ay puro comedy lang.

Nabanggit pa na gusto raw tularan ng aktor ang idolo niyang si Aga Muhlach na pinapanood ng tao sa sine kapag nagda-drama.

Oo nga, ‘no, Bossing DMB, ngayon ko lang naisip na ang ‘brader’ mo palang si Aga ay pawang comedy ang ginagawa sa TV at drama naman sa pelikula.

Anyway, ayon sa mga nakapanood na ng A Second Chance, pinatunayan lang daw nina Lloydie at Bea na sila pa rin ang King and Queen of Philippine Movies. Sila pa rin ang may hawak ng korona in terms of blockbuster hits at hindi raw ang mga bagong paboritong love teams ng ABS-CBN.

At heto pa, “’Yung pelikulang Starting All Over Again nina Piolo (Pascual) at Toni (Gonzaga) na kumita ng more than P400M, pustahan, aabutan ‘yun nina Popoy at Basha.”

Mukha naman. (REGGEE BONOAN)