Magpapautang ang Asian Development Bank (ADB) ng $600 million sa gobyerno ng Pilipinas para suportahan ang mga pagsisikap sa pamumuhunan sa imprastruktura sa ilalim ng public-private partnership (PPP) program.

Ang unang $300 million loan ay ilalaan para suportahan ang pinalawak na private participation sa infrastructure investment sa pamamagitan ng pagsusulong sa PPP projects.

Sa kabuan ay sampung PPP projects na ang naigawad ng gobyerno na may total investments na $4.2 billion, kabilang na ang ADB-assisted Mactan Cebu International Airport Passenger Terminal. (Maricel Burgonio)

Musika at Kanta

'Nabunot na naman kami!' Chie Filomeno nag-react, GirlTrends next na raw sa Coachella