Magpapautang ang Asian Development Bank (ADB) ng $600 million sa gobyerno ng Pilipinas para suportahan ang mga pagsisikap sa pamumuhunan sa imprastruktura sa ilalim ng public-private partnership (PPP) program.

Ang unang $300 million loan ay ilalaan para suportahan ang pinalawak na private participation sa infrastructure investment sa pamamagitan ng pagsusulong sa PPP projects.

Sa kabuan ay sampung PPP projects na ang naigawad ng gobyerno na may total investments na $4.2 billion, kabilang na ang ADB-assisted Mactan Cebu International Airport Passenger Terminal. (Maricel Burgonio)

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji