Inihayag kahapon ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na ang Highway Patrol Group (HPG) na ang gagamit ng mga motorsiklo at patrol car na ginamit sa katatapos na Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) summit sa bansa.

Kinumpirma ni PNP-HPG director, Chief Supt. Arnold Gunnacao, na ibinigay na sa kanila ni PNP chief Police Director General Ricardo Marquez ang 211 motorsiklo at 108 patrol car bilang tulong para maayos ang trapiko sa EDSA at sa mga Mabuhay lane.

Sinabi ni Gunnacao na ilan sa mga motorsiklo at mga patrol car ay ipapamahagi rin niya sa iba’t ibang probinsiya.

Labis na ikinatuwa ni Gunnacao na sa kanila ibinigay ang mga nasabing sasakyan na aniya ay malaking tulong sa kanilang trabaho.

National

DOH, nilinaw na hindi kumpirmado kumakalat na umano’y ‘international health concern’

Gumastos ang pamahalaan ng P10 bilyon para sa pagbili ng mga bagong motorsiklo at patrol car na isinalang sa convoy ng mga lider ng APEC. (Fer Taboy)