Jesse Hughes copy

NEW YORK (AFP) – Nais ng California rockers na Eagles of Death Metal na sila ang unang bandang muling tumugtog sa Bataclan thater sa Paris sa muling pagbubukas nito pagkatapos ng nangyaring pag-atake kamakailan.

“I don’t want to spend my life trying to appease assholes I want to spend my life smiling with my friends and entertaining them,” pahayag ng bokalistang si Jesse Hughes sa isang panayam.

“I cannot wait to come back to Paris. I cannot wait to play. I want to come back. I want to be the first band to play in the Bataclan when it opens back up,” aniya.

Human-Interest

Pambato ng Pilipinas sa research competition sa Taiwan, waging first place

“I was there when it went silent for a minute. Our friends went there and died. I’m gonna go back there and live.”

Sinalakay ng mga rebelde ang Paris noong Nobyembre 13, patay ang 130 katao at 89 sa mga ito ay sa Bataclan pinaslang.

Nakapanayam ng Vice.com ang banda sa Los Angeles nang bumalik sila sa Amerika kasunod ng insidente.

Ang banda ay nakatakdang magtanghal sa Europe hanggang Disyembre 10, ngunit kinailangang kanselahin at itakda sa ibang araw. Ang ilan sa kanilang mga tagahanga ay umapela sa online na simulan na ang concert.

“We don’t really have a chance. We have to finish the tour,” ayon kay Josh Homme, co-founder ng Death Metal na wala sa Paris.

“We have a song called I Love You All The Time. If you’re a country artist, if you’re death metal, if you’re a DJ, it doesn’t matter, cover that song and we’ll donate the publishing (royalties),” sabi niya sa Vice.com.