Nagsagawa ang Department of Health-MIMAROPA (Oriental/Occidental Mindoro, Marinduque Romblon, Palawan) ng random drug testing sa mga health worker nito sa rehiyon.

Ayon kay DoH Regional Director Eduardo Janairo, layunin nitong matiyak ang pagkakaroon ng isang “drug-free workplace” hindi lamang para sa kalusugan at kaligtasan ng mga staff ngunit maging ng mga pasyente ng mga health facility sa MIMAROPA.

“Drug abuse in general, may cause physical, mental and social dysfunction that affects not only the user but also the persons around him/her including co-workers,” dagdag pa ni Janairo.

Bukod sa mga hospital staff at health worker, kasama ring isinailalim sa random drug testing ang mga kainan at waste management personnel, tour guide at bangkero sa rehiyon.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Mahigit 1,000 health worker ang isinailalim ng DoH sa random drug testing activity at ang huli ay isinagawa kamakalawa sa may 220 staff ng Ospital ng Palawan (ONP) sa Puerto Princesa City.

Batay sa 2008 National Household Survey na isinagawa ng Dangerous Drug Board (DDB), may 1.7 milyong drug user sa Pilipinas at 1,700 sa kanila ang namamatay taun-taon. (Mary Ann Santiago)