Hanggang Disyembre 10 na lang ang ibinigay na deadline ng Department of Justice (DoJ) sa Task Force Tanim/Laglag Bala (TF Talaba) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) para matapos ang pagkalap ng ebidensiya sa umano’y extortion scheme.

Ayon kay DoJ Undersecretary Emmanuel Caparas, aminado ang task force na sensitibo ang kaso dahil hindi lang ito pinag-uusapan sa Pilipinas, kundi maging sa ibang mga bansa.

Nilinaw din nitong walang utos si Pangulong Aquino para maghinay-hinay ang kagawaran sa imbestigasyon sa naturang kaso.

Matatandaang inakusahan ng Punong Ehekutibo ang ilang kritiko na nasa likod ng pagpapalaki ng naturang sa media upang masira ang gobyerno sa mata ng publiko.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Giit ng DoJ, anuman ang kahihinatnan ng imbestigasyon ay iyon lamang ang kanilang ilalabas. (Beth Camia)