Magiging mas mababa, kumpara sa naunang taya, ang aangkating bigas ng Pilipinas sa 2016 na nasa 1.3 milyong tonelada dahil sa mas maganda domestic output mula sa inaasahan, sinabi ng economic planning chief ng bansa noong Huwebes.

Ang mas kaunting bibilhing bigas ng Pilipinas, isa sa world’s biggest rice buyers, ay makaaapekto sa export prices sa Vietnam at Thailand, ang mga pangunahing supplier ng bansa.

Ang forecast para sa aning palay ng Pilipinas sa mga susunod na buwan ay “better than what we initially estimated”, sinabi ni Socioeconomic Planning secretary Arsenio Balisacan, na namumuno sa food security council ng bansa.

Nitong unang bahagi ng buwan, sinabi ni Balisacan na inirerekomenda niya ang karagdagang 1.3 milyong tonelada ng aangkating bigas kasunod ng pagkalugi ng mga pananim dahil sa mga bagyo kamakailan at sa tagtuyot na dulot ng El Niño.

National

Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Inaasahan ng gobyerno na ang aanihing palay ngayong quarter ay aabot sa 7.42 milyong tonelada batay sa standing crop, 1.84 porsyentong mas mababa kumpara sa anihan noong nakaraang taon.

Ngunit ang aning palay ay dapat na bahagyang makabawi sa first quarter ng 2016 at tataas ng 0.31 porsyento mula sa nakaraang taon sa 4.38 milyong tonelada.

Hindi pa inaaprubahan ng National Food Authority, ang ahensiya ng pamahalaan na namamahala sa imports, ang anumang karagdagang rice purchase na dadagdag sa 500,000 toneladang inangkat na ng Pilipinas mula sa Vietnam at Thailand na darating sa first quarter, sabi ni Balisacan.

“What we will have to worry about is the second quarter,” aniya sa mamamahayag. (Reuters)