Piolo-at-Charo-1 copy

IPINAGMALAKI ni ABS-CBN President, Chief Content Officer, at CEO Charo Santos-Concio ang kahusayan ng mga Pilipino sa larangan ng paggawa ng mga de-kalibreng programa sa telebisyon sa 43rd International Emmy Awards sa New York na siya ang nagsilbing Gala Chair, ang kauna-unahang Pilipino na napili ng Emmy para sa naturang katungkulan.

Sa kanyang talumpati sa harap ng pinakamahuhusay na TV producers, creatives, at talents sa mundo, sinabi ni Charo na marami na sa mga programa ng ABS-CBN ang napapanood sa iba’t ibang bansa, patunay sa kasalukuyang ‘globalized environment’ ng broadcasting industry.

“We are grateful that through our content, we can show the world the real wealth of our country. These are our strong family values and our resilience as a people. We see no better way of achieving it than through television,” wika ni Charo sa kanyang talumpati sa 43rd International Emmy Awards na ginanap sa Hilton Hotel New York nitong nakaraang Lunes.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Binigyang diin niya rin ang papel ng telebisyon ngayon sa mga manonood, tulad ng pagsisilbing tulay para lalong maunawaan ng bawat isa ang nararamdaman at pinagdadaanan ng bawat lahi sa kani-kanilang bansa.

“The more we care, the less we fight. During dark days of terror, we come together in prayer. So, the world, far from falling part, is even inspired to unite,” aniya.

Ayon pa kay Charo, hinihimok din ng telebisyon ang pagkakaisa sa kabila ng mga pagkakaiba-iba lalo na ngayon na kaliwa’t kanan ang banta ng terorismo.

“The more we care, the less we fight. During dark days of terror, we come together in prayer. So, the world, far from falling part, is even inspired to unite,” aniya pa.

Bukod kay Charo, dumalo rin si Piolo Pascual bilang presenter ng Best Telenovela category kasama si Karla Mosley ng The Bold and the Beautiful.

Bago ang awards proper, rumampa sina Charo at Piolo sa red carpet at nagpa-interview sa international press.

Elegante ang suot na terno ni Charo na gawa ni Cary Santiago at pang-international star naman ang dating ng suot na suit ni Piolo.

Ang pakikibahagi nila sa International Emmy Awards ay maituturing na milestone sa Philippine broadcasting history.

Isa itong pagkilala sa naabot na ng Filipino content sa global standards.

Ilang beses nang nakakasungkit ng nominasyon ang mga programa at personalidad ng ABS-CBN sa International Emmys, kabilang na ang Maalaala Mo Kaya (Best Drama Series, 2013), Jane Oineza for MMK (Best Actress, 2013), Precious Hearts Romances Presents Impostor (Best Telenovela, 2011), Dahil May Isang Ikaw (Best Telenovela, 2010), Sid Lucero for Dahil May Isang Ikaw (Best Actor, 2010), Kahit Isang Saglit (Best Telenovela, 2009), at Angel Locsin for Lobo (Best Actress, 2009). (ADOR SALUTA)