LA PAZ, Bolivia (AP) — Inaresto ng mga opisyal ng Bolivia ang dalawang babae sa kasong human trafficking: Isa sa pagbebenta ng kanyang anak sa halagang $250, ang isa sa pagbili ng sanggol at paglagay ng “want ad” sa Facebook.

Sinabi ng top child-protection official sa silangang lungsod ng Santa Cruz sa AP na ang buyer ay isang 18-anyos na iprenisinta ang 6-na linggong gulang na batang babae sa kanyang dating kasintahan at sinabing anak nila ito.

Nagsumbong ang lalaki sa mga pulis.

Ayon sa mga opisyal ang seller ay isang 32-anyos na sex worker na hindi matukoy ang ama ng bata at ibinenta ito para makabawi sa mga ginastos.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'