Mahigit P2.2 milyon ang natipid sa konsumo ng kuryente sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City bunga ng mga isinagawang “Oplan Galugad” ng Bureau of Corrections (BuCor) kontra ilegal na kontrabando sa piitan.

Ayon kay BuCor Director Retired General Rainer Cruz II, umabot lamang sa P2.4 milyon ang nakonsumo sa gastos sa kuryente ngayong 2015 kumpara sa P4.6 milyon noong 2014 kaya malaking tulong ang sunud-sunod na operasyon matapos makumpiska ang maraming appliances at electronic gadgets sa mga dormitoryo ng mga preso.

Nilinaw ni Cruz na pinapayagan nila ang ilang appliances gaya ng aircon para sa mga may sakit ngunit inabuso naman ng mga ito at nagdagdag pa ng iba’t ibang gadget at refrigerator sa loob ng kanilang brigada.

“Nasa 954 yung mga may sakit po at yung mga nangangailangan ng additional comfort, naglalagay sila ng sub meter kung saan nagbabayad sila ng konsumo ng kuryente,” paliwanag ni Cruz. (Bella Gamotea)
Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador