Angelina Jolie Pitt

PHNOM PENH, Cambodia (AP) — Ngayong taon ay magkakaroon ng star-powered boost ang Cambodia International Film Festival dahil kay Angelina Jolie-Pitt.

Ang Hollywood star, na kasalukuyang nasa Cambodia para sa kanyang bagong pelikula, ay magsisilbing presidente ng honorary committee, ayon sa mga tagapamahala.

Ang filmfest na gaganapin sa Phnom Penh sa Disyembre 4 hanggang 10 ay tatampukan ng 130 pelikula mula sa 34 na bansa.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

“Cambodia’s rich history, long culture and talented people mean it has a huge amount to offer the region and the world,” pahayag ni Jolie Pitt noong Martes. “I’m proud to support the Cambodia International Film Festival and Cambodia as a home for vibrant and innovative filmmaking.”

Ayon sa festival adviser na si Cedric Eloy, head of the Cambodian Film Commission, ang gagampanan ni Angelina ay malaking tulong “to bring attention to the rebirth of the Cambodian film industry.”

Kasalukuyang ginagawa ni Jolie ang pinakabago niyang pelikula na isang adaptation ng isang Khmer Rouge biography na “First They Killed My Father”.