OLONGAPO CITY - Nanawagan ang Kilusan Kontra Kabulukan at Katiwalian (4K) kay Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mel Senen Sarmiento na pakilusin ang pulisya laban sa umano’y malalaswang palabas, prostitusyon at talamak na bentahan ng ilegal na droga sa lungsod na ito.

Ayon kay 4K Olongapo Chapter Chairman Dennis Yape, lantaran umano ang malaswang pagsasayaw ng mga menor de edad sa ilang club sa Magsaysay Drive, kaya naman dinadagsa ng mga dayuhang turista ang lugar, gayundin ang mga beerhouse sa Barrio Barreto, pero hindi umano ito nakikita ng pulisya at pamahalaang lungsod.

“Ipinagmalaki pa ng isang club owner na pinainom nila si Sec. Sarmiento sa Pier One Bar & Grill nitong Nobyembre 17 sa Subic kaya walang makapipigil sa kanilang operasyon,” ani Yape. “Hindi kami naniniwala kaya nananawagan kami kay Sarmiento na ipasara ang lahat ng club na may lewd shows sa Olongapo.”

Ibinunyag din ng 4K na nagkalat umano ang pick-up girls, na karamihan ay menor de edad, sa Rizal Avenue, Mart 1, Triangle, Victory Liner terminal at gilid ng SM City Olongapo, pero wala umanong aksiyon ang pamahalaang lungsod hinggil dito.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Nanawagan din ang grupo kay Sarmiento na ipatigil ang talamak umanong bentahan ng shabu sa mga barangay ng Sta. Rita, Gordon Heights, West Tapinac, Pag-Asa, Cabalan at Barretto, malapit sa Subic. (Beth Camia)