Inaasahang makararanas ngayong Sabado ng 14 na oras na power outage sa Eastern Visayas, ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP)-Central Office sa Quezon City.

Sinabi ng NGCP na kabilang sa maaapektuhan ng power interruption ang buong Samal Island at ilang bahagi ng Leyte, na magsisimula dakong 4:00 ng umaga at tatagal hanggang 6:00 ng gabi.

Idinahilan ng NGCP ang isasagawa nilang expansion project, synchronized maintenance at rehabilitation activities.

Sa taya ng NGCP, aabot sa 320,817 bahay ang negosyo sa Samar, Northern Samar, Eastern Samar, at ilang bahagi ng hilagang Leyte ang pansamantalang mawawalan ng kuryente. (Rommel P. Tabbad)

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente