Hindi magkakaroon ng water supply interruption sa Metro Manila hanggang sa summer season ng 2016.
Ito ang tiniyak ni Maynilad Water Services, Inc. (MWSI) Water Supply Operations Chief Ronald Padua ngayong may El Niño phenomenon sa bansa. Binanggit niya na magbabawas na lamang sila ng water pressure sa panahong kakaunti na ang gumagamit ng tubig mula hatinggabi hanggang madaling araw.
Inihayag naman ni Engr. Jorge Estioko, Deputy Executive Director ng National Water Resources Board (NWRB) na malaking tulong ang bagyong Lando para sa supply ng tubig dahil nadagdagan ang naiipon sa Angat Dam na nagsu-supply sa mga residente ng Metro Manila at mga kalapit na lugar. (Rommel P. Tabbad)