Steven-Spielberg at Barack-Obama copy

WASHINGTON (AP) — Pinarangalan ni US President Barack Obama ang 17 Amerikano nitong nakaraang Martes, kabilang ang naglalakihang mga bituin sa entertainment industry partikular na sina Barbra Streisand at Steven Spielberg, at baseball legends na sina Willie Mays at Yogi Berra at mga pulitiko, aktibista at government innovators.

Bukod sa pagkilala sa filmmaker na si Spielberg at sa Oscar-winner na si Streisand, pinagkalooban din ni Obama ng Presidential Medal of Freedom ang mga musikero na sina Gloria at Emilio Estefan, ang singer na si James Taylor at ang composer na si Stephen Sondheim at violinist na si Itzhak Perlman.

Ang mga pulitikong nakatanggap ng nasabing parangal ay sina Sen. Barbara Mikulski ng Maryland, na napagtagumpayan ang equal pay at women’s health sa kanyang 44 na taong serbisyo sa publiko; former Rep. Lee Hamilton mula Indiana, ang longtime advocate ng American national security and international relations; at ang yumaong si Rep. Shirley Chisholm ng New York. Si Chisholm ang unang babaeng African-American na nahalal sa Congress at isa sa mga miyembrong nagtatag ng Congressional Black Caucus.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

“Today we celebrate some extraordinary people: innovators, artists and leaders who contribute to America’s strength as a nation,” pahayag ni Obama.