Sa pagpapatupad ng residential real estate price index (RREPI), inoobliga na ngayon ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang mga bangko na magsumite ng quarterly residential real estate loans (RREL) report.

Ang mga data mula sa RREL ng mga commercial at thrift bank ay magbibigay ng impormasyon para sa “generation” ng RREPI.

“The construction of RREPI based on banks’ approved housing loan applications is a first in the Philippines and is expected to provide a valuable tool in assessing the real estate and credit market conditions in the country,” saad ng BSP sa isang pahayag noong Miyerekules.

Binabalak ng BSP na maglabas ng RREPI sa first quarter ng susunod na taon. (Lee C. Chipongian)
Tsika at Intriga

Carlos Yulo, wala pa raw naibibigay na tulong sa pamilya kahit palihim na abot?