Matinding labanan sa pagsagwan ang mapapanood sa pagsambulat ng Paddles Up Philippine Dragon Boat Tour ngayong Linggo sa Manila Bay kung saan 20 club mula sa Manila hanggang sa pinakamalayong Cebu at Iloilo ang mag-aagawan sa titulo sa tatlong kategorya.

Sinabi ni Len Escollante, national team head coach ng Philippine Canoe-Kayak Federation, na isasagawa ang mga karera sa men’s 20-seater, women’s 10-seater, at ang mixed under-40 10-seater.

Matapos ang karera sa Linggo, sunod na isasagawa ang labanan sa Sampaloc Lake sa San Pablo, Laguna sa Enero, sa Taal Lake sa Batangas sa Marso, sa Subic sa Abril na magtatapos sa isang national finals na gagawin naman sa Manila Bay sa Hunyo.

Umaasa si Escollante na malaki ang maitutulong ng karera para sa paghahanda ng mga miyembro ng pambansang koponan kung saan huling nagawa na mag-uwi ng dalawang gintong medalya sa nakaraang Asian Championships sa Palembang, Indonesia.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Matatandaang nagwagi ang Philippine team sa dalawang event lamang na sinalihan na small boat 10-seater sa 500 meters at 200 meters na kategorya sa pagbigo sa kalabang Indonesia, Japan, Iran, India, Thailand at Taipei. (ANGIE OREDO)