NoBioNoBotoChallenge_QC_26Nov2015-2 copy

Hiniling sa Supreme Court (SC) nitong Miyerkules na pigilan ang Commission on Elections (Comelec) sa pagpapatupad ng polisiyang “No Bio, No Boto” na magkakait sa mahigit tatlong milyong rehistradong botante na walang biometrics ng karapatang makilahok sa halalan sa 2016.

Sa isang petisyon, nais ng Kabataan Party-list na pigilin ng Korte Suprema ang pagpapatupad ng probisyon ng RA 10367 (An Act Providing for Mandatory Biometrics Voter Registration), na nagde-deactivate sa mga rehistradong botante na walang biometrics.

Partikular na hinihiling ng petisyon ang pagpapawalang-bisa sa Comelec Resolution No. 9721, Resolution No. 9863, at Resolution No. 10013, na nagpapatupad sa polisiyang “No Bio, No Boto.”

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Ayon sa petisyon, ipinakita ng Comelec data na may kabuuang 3,059,601 rehistradong botante ang wala pa ring biometrics data hanggang nitong Setyembre 30, 2015.

Binigyang-diin ng petisyon na ang mga walang biometrics ay kumakatawan sa 5.86 na porsiyento ng 52.2 milyong rehisradong botante sa bansa.

Nakasaad sa petisyon na malinaw na itinatakda ng 1987 Constitution na “no literacy, property, or other substantive requirement shall be imposed on the exercise of suffrage.” (Rey Panaligan)