Pagkawala ng composure sa endgame at hindi o pagod ang dahilan kung bakit nabigo ang University of Santo Tomas (UST) na talunin ang Far Eastern University (FEU) sa Game One ng UAAP Season 78 men’s basketball tournament best-of-3 finals series noong Miyerkules ng hapon sa MOA Arena, Pasay City.

Ito ang magkakasundong sinabi nina Tigers team skipper Kevin Ferrer at beteranong Cameroonian center na si Karim Abdul matapos ang natamong 75-64 na pagkatalo sa Tamaraws.

“We were there, we just lost our composure in the endgame,” pahayag ni Ferrer. “But definitely we will bounce back on Saturday.”

Sinasabing naapektuhan ang laro ng Tigers sa dulo kung saan nakahabol na sila at nakalamang matapos lamangan ng Tamaraws ng hanggang 14 na puntos sa first half bago hindi nakaiskor sa huling limang minutong laban kung saan inilatag ng FEU ang kanilang 14-0 winning run.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Anim na manlalaro ng UST ang nakasalang sa laban ng mahigit 20 minuto sa pangunguna ni Abdul na siyang pinakamatagal sa loob ng court makaraang maglaro ng 36 na minuto, Sinundan ni Ferrer na naka-33 puntos at pangatlo si Ed Daquioag na naka-29 na puntos ngunit nagsilbing “missing link” sa kanilang opensa matapos magtala lamang ng 4 na puntos.

Gayunman, hindi ito sinang-ayunan ni Abdul. “When you are a player, you just have to go over the tiredness and you don’t think about it. We want to think about winning.”

“Whatever happens, whatever obstacles that come your way, you didn’t look at it,” dagdag pa ni Abdul.

Pinaghinalaan namang hindi ibinigay ang kanyang totoong kakayanan sa laban, mariin naman itong itinatwa ni Daquioag na umamin namang batid na ng kalaban ang kanyang kahinaan at kung paano sya pipigilin.

“Hindi totoo yun. Hindi ako biyahe na gaya ng sinasabi ng iba dyan,” ani Daquioag. “Alam kasi nila (FEU) na wala akong outside shooting, so talagang pinapatira nila ako, tapos may halo ng malas. Kaya nga ‘yun ang iwu-work out next game,” ani Daquioag.

“Hindi pa naman tapos ang laban, actually nagawa nga naming makabalik e, breaks of the game lang ang nangyari nung huli. Babawi kami, abangan na lang nila sa Sabado,” ang pangako ng co-captain ng UST. (MARIVIC AWITAN)