Sa loob na ng selda nahimasmasan sa sobrang kalasingan ang isang lalaki matapos siyang ikulong dahil sa pananaga sa isang construction worker at sa isang pulis na aaresto sana sa kanya, noong Miyerkules ng umaga sa Valenzuela City.

Ayon kay Senior Supt. Audie A. Villacin, officer-in-charge ng Valenzuela City Police, mga kasong attempted murder at direct assault ang kinakaharap ni Kenneth Villaruel, 22, ng 41-F Alarcon Street, Sto. Rosario, Barangay Maysan, ng nasabing lungsod.

Nakalabas na ng ospital at nagpapagaling na sa bahay ang nataga ng suspek na si Ramil Berdera, 23, ng Block 2, Lot 2, Morning Ville, Canumay West.

Kuwento ng biktima kay PO3 Robin Santos, ng Station Investigation Unit (SIU), dakong 7:45 ng umaga nang mangyari ang insidente sa Alarcon Street sa Bgy. Maysan.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

“Papasok po ako ng trabaho sakay ng tricyle at pagpaba ko bigla na lang akong tinaga sa likod nung suspek. Wala nga akong kaalam-alam,” ani Berdera.

Kahit may sugat na sa likod, tumakbo ang biktima pero hinabol ito ng suspek.

Sa tagpong iyon, padaan naman si PO2 Ariel Tutuan, ng Police Community Precinct (PCP) 12, at tinangka nitong awatin si Villaruel.

Sa halip na makinig ay sinipa pa ni Villaruel ang pulis bago tinaga pero nakailag ito hanggang sa maisubsob ang suspek at tuluyang maposasan. (Orly L. Barcala)