PAMINSAN-MINSAN ay nakakasumpong tayo ng mga taong hindi naman kalbo ngunit komikero. Meron namang pigura na nagpapatawa. At isa na rito si LP Presidential Candidate Mar Roxas.

At nang tanungin si Roxas kung sang-ayon siya sa sinabi ni Mayor Duterte kaugnay sa desisyon niyang tumakbo sa pagkapangulo dahil sa pagbasura ng Senate Electoral Tribunal (SET) sa inihaing disqualification case laban kay Sen. Grace Poe, sinabi niya: “Lahat tayo ay hindi gustong magkaroon ng presidenteng dayuhan!”.

Sobrang dali palang makalimot nitong si Roxas.

Noong simula pa lamang ay ayaw na nilang tigilan sa pangliligaw si Sen. Poe para lang pumayag na maging bise presidente niya. Hindi isang beses, hindi rin dalawa, kundi maraming ulit nila itong pinuntahan sa kanyang tahanan na kasama pa si Pangulong Noynoy. Gusto niyang maka-tandem ito. Ngayong hindi nila napasagot at sa halip tumakbo ito bilang pangulo ay biglang nag-iba ang tono niya.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Alam pala niya na ayaw ng mga Pinoy na magkaroon ng pangulong dayuhan, gayong marami ang naniniwala na hindi dayuhan si Poe dahil napulot nga ito sa isang simbahan sa Iloilo at dahil na rin sa kanyang hitsura at pananalita.

Kung sinasabi man ni Roxas na hindi gusto ng mga Pinoy na magkaroon ng pangulong dayuhan, sana noong una pa lamang na nililigawan nila si Poe bilang kanyang bise presidente ay naisip na niya na gugustuhin ba ng mga Pinoy na magkaroon ng dayuhang bise?

At kung talagang ayaw ng mga Pinoy na magkaroon ng dayuhang presidente, bakit laging nangunguna si Sen. Poe sa mga survey? Bakit siya na sa tingin niya’y gusto ng mga Pinoy ang laging kulelat?

Isa sa dapat na maging katangian ng magiging pangulo ay iyong hindi malilimutin o ulyanin. Iyong consistent sa kanyang mga desisyon, gagawin at ipinahahayag. Hindi iyong umaasa lamang sa pangulo lalo na sa pangangampanya. Iyong may sariling plataporma at hindi puro “porma”.

Sa pagtakbo ni Duterte bilang pangulo, kung pahihintulutan ng Comelec, si Roxas ang apektado.

BIRONG PINOY

PORONG: Pare, hindi ko malaman kung sino ang iboboto kong presidente. Ang hirap mamili.

PONSO: Basta ito lang ang pag-aralan mo, pare, ano ba ang mas tama, ang isang tumatakbong NAPULOT o isang tumatakbong KURAKOT.

PORONG: Pero marami sila pare, eh.

PONSO: Alin ba ang mas gusto mo? Iyong tumatakbong AMPON ng PINOY o iyong tumatakbong AMPON ni PNoy? (ROD SALANDANAN)