Pipilitin ng Pilipinas na makapagtala ng panibagong record sa Guiness Book of World Records sa pagsasagawa nito ng world’s largest arnis class presentation na gagaganapin sa paghu-host ng 2015 Philippine National youth Games-Batang Pinoy sa Cebu City Sports Complex.

Ito ang inihayag ng Philippine Sports Commission at Cebu City Sports Commission na nagsabing tatangkain ng host Cebu na maitala ang rekord sa arnis sa presentasyon nito sa closing ceremony ng torneo sa susunod na Miyerkules, Disyembre 2.

Umabot naman sa 1,943 atleta ang nagparehistro sa torneo na kabilang sa siyam na sports na magsasagawa ng kanilang national finals habang inaasahang darating ang kabuuang 2, 847 na qualifiers mula sa isinagawang Luzon, Visayas at Mindanao leg ng torneo na para sa mga atletang edad-15 anyos pababa.

Sinabi ni Cebu Batang Pinoy overall chairman Edward Hayco na inaasahan nitong magpapakitang husay ang halos 500 kabataang estudyante na awtomatikong nakasali sa national championships ng pangunahing grassroots sports development ng bansa na inorganisa ng PSC.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Mayroong insentibo bilang host, awtomatikong makakapagsali ng kanilang lahok ang Cebu City sa lahat ng 27 sports na paglalabanan sa torneo na para sa edad 15-anyos pababa kung saan 10 ang isasagawa sa lungsod mismo ng Cebu, 2 sa Cebu Province, 3 sa Mandaue City at apat sa Danao City.

Ang 27 sports na paglalabanan ay kinabibilangan ng arnis, athletics, badminton, basketball 3-on-3, beach volleyball (natl finals), boxing, cheerleading (natl finals), chess, cycling (natl finals), dancesport, Futsal, handball (natl finals), karatedo, lawn tennis, pencak silat (natl finals), rugby footbal (natl finals), sepaktakraw, softball, soft tennis (natl finals), swimming, taekwondo, table tennis, triathlon (natl finals), volleyball, wrestling, weightlifting at wushu (natl finals). (ANGIE OREDO)