Sinabi ng mga opisyal na lumago ang ekonomiya ng Pilipinas ng anim na porsiyento (6%) sa third quarter at tinaya ang kaparehong paglago sa buong taon.

Ang pangunahing tagasulong ng ekonomiya sa third quarter ay ang service industries, na umangat ng 7.3 porsiyento. Ito ang pinakamabilis na paglago simula 2013.

Lumago rin ang agrikultura ng 0.4 porsiyento kumpara sa pagbaba nito ng 2.6 porsiyento nitong unang bahagi ng taon.

Sinabi ni Economic Planning Secretary Arsenio Balisacan noong Huwebes na ang data ay “an encouraging sign of a steadily growing economy” at ginawa ang “6 percent full-year growth very much likely with even better prospects for the last quarter.”

National

27 volcanic earthquakes, naitala mula sa Bulkang Kanlaon

Ang second-quarter growth ay binago sa 5.8 porsiyento mula sa 5.6 porsiyento. (AP)