Magtatayo ang Philippine National Police (PNP) ng bagong gusali sa Camp Crame, Quezon City na magsisilbing one-stop shop sa pagpoproseso ng lisensiya ng mga baril at security guard.

Ito ay gagastusan ng P73 milyon at binubuo ng 27 silid at tatlong palapag na pupuntahan ng mga aplikante para sa iba’t ibang clearance na kinakailangan sa pagkuha ng firearms license.

Ayon kay PNP Chief Director General Ricardo Marquez, magtatalaga rin ng isang silid bilang payment center ng mga clearance at lisensiya.

Kabilang sa mga unit na mabibigyan ng silid sa one-stop shop building ay ang Directorate for Intelligence para sa police clearance, Health Service para sa neuro-psychiatric test, Crime Laboratory para sa drug test, at iba pang collecting unit ng PNP.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“From 35 signatories, we will also cut this to two to three persons,” paliwanag ni Marquez.

Aniya, magsisimula ang konstruksiyon ng gusali sa Enero 2016. (Aaron Recuenco)