Inihahanda na ng mga awtoridad ang tatlong kulungan sakaling mahatulang guilty si US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton, na pangunahing suspek sa pagpatay sa Pinoy transgender na si Jeffrey “Jennifer” Laude.

Ayon kay Foreign Affairs Assistant Secretary Charles Jose, kabilang sa mga pinagpipilian ay ang detention facility sa Camp Aguinaldo, sa Custodial Center sa Camp Crame o sa detention facility ng Special Action Force (SAF) sa Sta. Rosa, Laguna, na roon ikinulong si Moro National Liberation Front (MNLF) Chairman Nur Misuari at si dating Pangulo at ngayo’y Manila Mayor Joseph Estrada.

Isinantabi na rin ang posibilidad na sa New Bilibid Prison (NBP) ikukulong si Pemberton dahil mariin itong tinututulan ng US.

Sinasabing nakasaad sa PH-US Visiting Forces Agreement (VFA) na kailangang magkasundo ang dalawang bansa sa pagdadalhang jail facility kapag nasentensiyahan ang isang sundalong Amerikano sa bansa. (Beth Camia)
National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!