ANG Thanksgiving Day, na ginugunita tuwing ikaapat na Huwebes ng Nobyembre ay ipinagdiriwang bilang isang federal holiday simula noong 1863. Ito ang panahon na nagsasama-sama ang mga miyembro ng pamilya at magkakaibigan upang magpahayag ng pasasalamat sa maraming biyayang na tinanggap sa isang buong taon. Ang espesyal na pagkaing inihahain tuwing ganitong okasyon ay karaniwan nang binubuo ng turkey na pinalamanan, cranberry sauce, gravy, pumpkin pie, at gulay na putahe.

Nagdaraos din ng mga parade sa ilang siyudad at bayan bago sumapit o sa mismong Thanksgiving Day. Isinisimbolo ng Thanksgiving Day ang pagsisimula ng Christmas shopping season. Ang ilan ay mayroong four-day weekend kaya karaniwan nang bumibiyahe ang mga tao o kaya naman ay bumibisita sa mga kaanak at kaibigan upang manood ng mga laro sa football.

Tinukoy ng ilang travel blog ang mga sumusunod bilang mga popular na event tuwing Thanksgiving Day na umaakit sa mga lokal at dayuhang turista: Black Friday Shopping sa Bloomington, Minnesota; mga football match ng National Football Association; Macy’s Thanksgiving Parade sa Manhattan; America’s Hometown Thanksgiving Celebration sa Plymouth, Massachusetts; World’s Largest Disco sa Buffalo, New York; McDonald’s Thanksgiving Parade sa Chicago; Turkey Night Grand Prix malapit sa Baldwin Park sa Los Angeles; at ang Fifth Third Turkey Marathon sa Detroit.

Ayon sa kasaysayan, ang unang Thanksgiving Day ay idinaos noong 1598 sa siyudad ng El Paso, Texas. Sinabi naman ng ilan na isinasagawa ito sa Virginia Colony. Mayroon ding mga kuwento na ang pagsisimula ng modernong Thanksgiving Day ay matutunton sa selebrasyon ng pag-aani na idinaos ng mga Pilgrim noong 1623 sa Plymouth, Massachusetts, nang mag-alay sila ng pagdiriwang bilang pasasalamat sa ulan na nagwakas sa napakatagal na tagtuyot. Ang mga unang pagdiriwang na ito ay sa paraan ng espesyal na church services. Ayon naman sa iba, nasa huling kalahating bahagi ng 1600s nang maging pangkaraniwan na ang mga post-harvest thanksgiving at naging taunang event, bagamat ipinagdiriwang ito sa magkakaibang araw sa iba’t ibang komunidad.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Si George Washington ang unang pangulo ng Amerika na nagdeklara ng unang pambansang Thanksgiving Day noong 1789.

Gayunman, taong 1863 lang nang magtakda ng petsa para sa selebrasyon. Itinalaga ni President Abraham Lincoln ang huling Huwebes ng Nobyembre bilang araw ng pasasalamat.

Binabati natin ang Mamamayan at Gobyerno ng Amerika, sa pangunguna ni President Barack Obama sa pagdiriwang nila ng Thanksgiving Day. Hinihiling natin ang nag-uumapaw na biyaya at mabubuting pangyayari na kanilang ipagpapasalamat sa mga susunod na taon.