112415_erus2 copy

Nagtala si Asi Taulava ng game-high na 22-puntos para sa NLEX Road Warriors sa laban ng koponan kontra Meralco Bolts sa iskor na 93-91, panalo sa pagpapatuloy ng PBA Philippine Cup noong Martes (Nobyembre 24).

Sa simula ng laban, halos kontrolado ng NLEX ang bola, subalit sa fourth quarter ay nahirapan, sila. Gayunpaman, nasungkit pa rin ng NLEX ang panalo at malaking bahagi ng puntos nito ay mula kina Taulava, Sean Anthony at Jonas Villanueva. Sa six outings, apat na laro na ang naipanalo ng Warriors.

Si Taulava ay nakakalap ng 22-puntos at 21 rebound samantalang si Anthony ay nakakuha ng 19 marker habang si Villanueva ay 17. Ang tatlo ay nagkasundo na pumuntos sa fourth quarter, kung saan ay mayroong 26 sa 28-puntos ng koponan.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Sinabi ni NLEX coach Boyet Fernandez, na ang kanilang depensa ang nagbunsod upang mapanalunan nila ang laban.

“It’s our defense that made this happen especially in the endgame,” ani Fernandez.

Idinagdag pa ni Fernandez na ang kanilang game plan ay limitahan ang laro ni Meralco sniper Gary David subalit hindi nila ito nagawa sa dahilang nagpamalas pa rin ng explosive performance ang huli, at naidagdag nito ang 10 sa 19-puntos kabilang na ang kagulat-gulat na 3-puntos sa natitirang 9.8 segundo upang makaungos ang Meralco, 91-90.

Subalit, na-foul ni Jared Dillinger si Anthony na nagbunsod naman upang magkaroon ito ng tsansa sa free throw at nakuha muli ng NLEX ang kalamangan, 92-91. (CNN Philippines)