Hinimok ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto ang gobyerno na gamitin ang P168.9-bilyon na nalilikom ng gobyerno sa Malampaya fund para sa mass production ng Sustainable Alternative Light (SALT) na inimbento ni Engineer Asia Mijeno.

Aniya, hindi na kailangan pang humingi ng tulong sa ibang bansa para sa produksiyon ng SALT dahil may sapat namang pondo ang gobyerno at naayon naman ito sa charter ng Malampaya project.

“If you look at government finances, there should be no problem in finding money for these saltwater lamps. You don’t even have to seek budget from Congress because some of these funds are off-budget, meaning they can be tapped without having to go through the annual appropriations route, like the Malampaya royalty remittances,” paliwanag ni Recto.

Maging si US President Barack Obama ay napahanga ni Mijeno noong nakaraang Asia Pacific Economic Conference (APEC) Leaders’ Summit.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ayon kay Recto, may budget na P19.1 bilyon ang Department of Science and Technology (DOST) at P2.84 bilyon naman ang pondo ng Department of Energy (DoE) upang pailawan ang 3,150 bahay sa bansa.

“Baka dito puwede nila maimbita si Engineer Mijeno para makatulong. ‘Yung off-grid areas usually mga isla iyon. So kung napapaligiran ng dagat, nandoon na mismo ang power source,” paliwanag ni Recto. (Leonel Abasola)