BORACAY ISLAND - Nagbabala ang Philippine Coast Guard (PCG) sa mga turistang nais magbakasyon sa isla ng Boracay sa Malay, Aklan na asahan na ang mahabang pila habang papalapit ang long holiday.

Ayon kay Lt. Junior Grade Edison Diaz, hepe ng PCG-Caticlan, sinimulan na nilang ipatupad ang maghigpit na seguridad para matiyak ang kaligtasan ng mga turista habang papalapit ang Pasko.

Karaniwang inaabot ng isang oras sa mahabang pila ang mga turista, dahil hindi agad na makaaalis ang bangka patungong Boracay kung hindi tapos nakukumpleto ng mga pasahero ang paglilista ng kanilang mga pangalan sa manifesto.

Mahigpit din ang pagsasakatuparan sa pagsusuot ng life jacket ng mga sasakay sa Bangka, kahit na limang minuto lang ang biyahe patungo sa oracay. (Jun N. Aguirre)
Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito