Nobyembre 26, 1922 nang makapasok ang mga British archaeologist na sina Howard Carter at Lord Carnavon sa libingan ni King Tutankhamen sa Egypt’s Valley of Kings. Nadiskubre nila na nananatiling buo at matibay ang libingan ng yumaong hari makalipas ang 3,000 taon.

Taong 1891, karamihan sa libingan ng mga Egyptian ay nadiskubre, at noong 1913, sinabi ng mga eksperto na walang nakalibing sa valley na kinakailangan madiskubre, na bagay na ipinaglalaban ni Carter.

Pinasok nina Carter at Carnavon ang maputik na kahoy na pintuan noong Nobyembre 23, 1922 at makalipas ang tatlong araw, ay pumasok pa sa isang pintuan. Nadiskubre nila ang isang stone sarcophagus na naglalaman ng tatlong kabaong.

Ang mga ito ay kasalukuyang matatagpuan sa Cairo Museum.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’