CAMP H.M. SMITH, Hawaii (AP) — Nagpahayag si Japanese Defense Minister Gen Nakatani noong Martes ng kanyang suporta para sa mga warship ng U.S. Navy na naglalayag malapit sa isa sa mga artipisyal na isla ng China sa South China Sea.

Sinabi ni Nakatani sa mga mamamahayag matapos ang pakikipagpulong kay Adm. Harry Harris, ang commander ng U.S. Pacific Command, na ang U.S. military ay nasa forefront ng pagsisikap ng international community na protektahan ang bukas, malaya, at mapayapang karagatan sa South China Sea. Idinagdag niya na ipinahayag niya ang suporta ng Japan sa mga aksyon ng U.S.

“The international community will not allow the unilateral changing of the status quo by force, and our country believes the same,” sabi ni Nakatani. “The U.S. believes the same, too, and we agreed on this point.”

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'