BILANG pagdiriwang sa mahigit isang dekada nang pagbabantay sa mga isyu ng lipunan, ihahatid nina Jiggy Manicad at Maki Pulido sa Reporter’s Notebook ang dalawang natatanging ulat tungkol sa overseas Filipino worker sa Hong Kong.

Sa unang bahagi ngayong hapon, mapapanood ang kuwento ng ilang OFW na sa kabila ng pagkakaroon ng kanser ay nagtatrabaho pa rin bilang household helpers.

Hirap makalakad at namimilipit sa sakit nang maabutan ng Reporter’s Notebook si Tessie habang papunta sa Central Park. Mahigit 20 taon nang OFW si Tessie. Agosto ngayong taon nang matuklasang may Stage 3 colon cancer siya. Pero sa kabila ng karamdaman, tuloy siya sa pagtatrabaho. Habang may kontrata kasi siya sa Hong Kong ay hawak din niya ang kanyang Hong Kong ID, at sa pamamagitan nito ay nakukuha niya ang chemotherapy at iba pang gamutan sa mas mababang halaga. Sa Pilipinas, nasa 20 hanggang 50 libong piso ang halaga ng chemotherapy package. Pero sa Hong Kong, mahigit limandaang piso lamang ang katumbas na binabayaran ni Tessie.

Stage 4 ovarian cancer naman ang iniinda ni Rose na pinili ring manatili at maghanapbuhay sa Hong Kong para makapagpatuloy din sa kanyang chemotherapy. Aniya, kapag umuwi siya sa Pilipinas, bukod sa walang perang pangsuporta sa kanyang dalawang anak ay wala rin siyang gagastusin sa mahal na gamutan.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Tinitiis na nilang mapalayo sa pamilya at tinitiis din ang sakit na dulot ng karamdaman. Bakit sa ibang bansa pa nila nakukuha ang kalingang kinakailangan nila? May programa ba ang pamahalaan para sa mga gaya nilang tinatawag na bagong bayani pero bihag ng karamdaman?

Huwag palalampasin ang back-to-back Hong Kong special ng 2015 New York Festivals Bronze World Medalist na Reporter’s Notebook simula ngayong 5:20 ng hapon, pagkatapos ng Destiny Rose sa GMA-7.