Mangyayari ang makasaysayang paglapag ng unang dalawa sa 12 FA-50 lead-in-fighter trainer jet na binili mula sa South Korea, sa Clark Airbase sa Pampanga sa Biyernes.

Inihayag ni Philippine Air Force (PAF) Spokesman Col. Enrico Canaya ang pagdating ng dalawang FA-50 “Fighting Eagle” mula sa Korea Aerospace Industries (KAI).

“This is historic because this will be the first time that we’ll have supersonic capability since the Philippines decommissioned its last Northrop F-5 ‘Tiger’ jet fighters in 2005,” ani Canaya.

“This is the revival of our supersonic capability,” giit niya.

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

Sinabi ng tagapagsalita ng PAF na ang sasakyang panghimpapawid, na pinalilipad ng mga pilotong South Korean, ay darating dakong 10:00 ng umaga sa Biyernes, Nobyembre 27.

Inaasahang dadalo sa mga seremonya na sasalubong sa dalawang FA-50 sina Defense Secretary Voltaire Gazmin, Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Hernando DCA Iriberri, Navy Flag Officer-in-Command Vice Admiral Caesar Taccad, at PAF chief Lt. Gen. Jeffrey Delgado, ayon kay Canaya.

Sasailalim ang mga jet sa technical inspection at “acceptance flight” bago pormal na itu-turnover sa Air Force.

Sinabi ni Canaya na kailangan ng mga piloto ng maraming buwan ng extensive training bago isalang sa pagmamaniobra sa FA-50.

Magugunita na bumisita si Delgado sa Sancheon Air Base sa South Korea ngayong buwan, na roon siya nagkaroon ng prebilehiyo na maging co-pilot ng isa sa dalawang lead-in-fighter jets na ide-deliver ng Korea aircraft manufacturer ngayong linggo. (ELENA ABEN)