Ibinasura ng Quezon City Regional Trial Court (QCRTC) ang kasong illegal drugs ng dalawang Chinese national bunga ng kakulangan ng ebidensiya na nagdidiin sa mga ito.

Sa 14-pahinang resolusyon na inilabas ni QCRTC Branch 103 Presiding Judge Felino Elefante, napawalang sala sa kasong paglabag sa Section 11, Article ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act) sina Go Hong Bing alyas “Clarence Chen” at Changxin Wang matapos aprubahan ang demurrer of evidence na naisampa ng mga akusado noong Oktubre 15, 2015 na humihiling sa korte na ibasura ang kanilang kaso dahil sa kawalan ng matibay na ebidensiya.

Si Go ay nahuli ng mga elemento ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) noong Pebrero 2, 2012 sa buy-bust operation sa isang restaurant sa Timog Avenue, Quezon City. Inaresto siya ni PDEA agent Gregorio Camua III nang tanggapin ang bayad ng poseur buyer na si Agent Jonathan Morales.

Inaresto naman si Wang nang ideposito sa kanyang account ang perang ibinayad ni Agent Morales kay Go.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sinasabing isang beses lamang tumestigo sa korte si Morales at hindi ito na cross examine sa korte.

Hindi naman nakumbinse ni Camua ang korte nang sabihin nito na hinuli niya si Go makaraang makitang may ibinibigay itong kahon sa isang lalaki at hindi pinatunayan na illegal drugs ang nakuha sa sinasabing operasyon. (Jun Fabon)