Hinikayat ng Social Security System ang mga miyembro na bitawan ang iba pang SSS number at panatilihin ang iisang numero.

Sa lingguhang Fernandina Forum sa Club Filipino sa Greenhills, San Juan City, binigyang diin ni Ms. Normita Doctor, VP, na dapat ay iisa lamang ang SSS number ng bawat miyembro.

“Ipakansela ang ibang number at retain ang isa lamang para maiwasan ang problemang idudulot nito gaya ng pagkuha ng benepisyo tulad ng retirement,” diin ni Doctor.

Kasabay nito, ipinaalala ni Arceli Carlos, Corporate Executive Office, ang mga wala pang number na kumuha na dahil maaari nang mag-apply sa pamamagitan ng Internet.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“Hindi ka kailangang pumila pa, bumisita lamang sa aming website na www.sss.gov.ph,” ani Carlos. (Mac Cabreros)