Naipanalo ng Ateneo ang pang-apat na sunod nilang do-or-die game, makaraang ungusan ang second seed De La Salle University (DLSU), 55-53, kahapon sa UAAP Season 78 women’s basketball step-ladder semifinals sa Mall of Asia Arena.

Nagtala lamang ng 6-puntos si Danica Jose, ngunit ang kanyang freethrow sa nalalabing 5.2 segundo ay sapat na para mabura ng Lady Eagles ang twice to beat advantage ng Lady Archers.

Bukod sa anim na puntos, nagtala din sya ng 19 rebounds sa kabila ng iniinda nitong sakit.

“She was nursing a sprain from our last game (against University of the East). We have to keep her minutes down and hopefully she will bounce back in the next game,” ani Ateneo coach Erika Dy tungkol kay Jose.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nakatakda ang kanilang rubber match ganap na ika-10 ng umaga sa Sabado sa Smart Araneta Coliseum kung saan ang mananalo ay makakalaban ng defending champion National University (NU) sa kampeonato sa Miyerkules.

Pinangunahan ni Hazelle Yam ang Ateneo sa ipinoste nitong 19-puntos habang nagdagdag si Jolina Go ng 11-puntos at 4 na board.

Tinangka ng La Salle tried na mahatak ang laro sa overtime sa final possession, ngunit walang pumasok sa huling tatlo nilang attempt.

Nanguna naman para sa Lady Archers si Snow Peñaranda na may 12- puntos at 9 rebound habang si Ara Abaca ay tumapos na may double-double 11-puntos at 15 rebound. (Marivic Awitan)