Muling nanindigan ang China na hindi nito tatanggapin ang judicial arbitration sa South China Sea o West Philippine Sea na kasalukuyang dinidinig ng international court ang kasong inihain ng Pilipinas.

Hiniling ng Manila sa Permanent Court of Arbitration sa The Hague, Netherlands, na pamahalaan ang umiinit na pagtatalo, umapela sa UN Convention on the Law of the Sea.

Inaangkin ng Beijing ang halos kabuuan ng South China Sea, dahilan upang makairingan nito ang ilang katabing bansa, at partido sa Convention ngunit binalewala ang hurisdiksiyon ng korte sa isyu.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

“Our position is clear: we will not participate to or accept the arbitration,” sabi ni foreign ministry spokesman Hong Lei sa isang regular briefing.

Hindi kailanman malinaw na itinakda ng Beijing ang kanyang mga pag-aangkin sa mahalagang waterway, na dinaraanan ng one third ng lahat ng ikinakalakal na langis ng mundo.

Kasunod ang stand-off ng mga barkong Chinese at ng mahinang Philippine Navy noong 2012, inagaw ng China ang kontrol sa mayamang pangisdaan sa Scarborough Shoal na nasa loob ng exclusive economic zone ng Pilipinas.

(Agence France Presse)