SYDNEY (Reuters) — Labing-apat na bushfire sa paligid ng southern Australia ang pumatay sa dalawang katao, libu-libong hayop, at tumupok sa 16 na bahay, sinabi ng awtoridad.

Nagsimula ang mga sunog, umabot na sa 210 km (130 milya) ang lawak, noong Miyerkules at mabilis na nilamon ang mga sakahan, kaya napilitan ang mga residente na lumikas habang ang iba ay tarantang sinubukang sagipin ang kanilang mga bahay at alagang hayop.

Taun-taong nangyayari ang wildfire tuwing summer sa Australia, ngunit ang tumataas na temperatura ang nagtulak sa mga scientist na magbabala na maaaring palawigin at palawakin ng climate change ang summer fire season.

Internasyonal

Pamilya ng Pinay na pinaslang umano ng foreigner na asawa nito, nanawagan sa gobyerno